Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad sa iba't-ibang aspeto ng bansa. Sa paggamit ng ating sariling wika sa mga transaksyon sa ekonomiya, magiging madali para sa mga mamamayang Pilipino ang makahikayat upang makisali sa pakikipagtalastasan at mga transaksyon sa loob ng ating ekonomiya. Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang lalong maintindihan ang mga dahilan kung bakit Filipino ang napiling wikang pambansa, malalaman ang mga katangian ng wikang Filipino at ang pinagkaiba nito sa ibang diyalekto, at matukoy ang kaugnayan at kahalagahan ng wikang ito sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.
Ang wika ay may malaking epekto sa pagpapaunlad at pagpapatatag sa ekonomiya ng bansa. Ito ay isang instrumentong ginagamit sa ugnayan at transaksyon ng bawat tao sa ekonomiya. Kung ang bansa ay wala nito, magkakaroon hindi pagkakaunawaan at maaaring humantong sa pagbagsak sa ekonomiya ng ating bansa.
Dapat nating bigyang halaga ang paggamit ng ating sariling wika sa pagpapaunlad ng iba't-ibang sektor ng lipunan gaya ng ekonomiya ng ating bansa. Hindi magiging mahirap ang pag-angat ng estado ng ekonomiya kung gagamitin natin ang wikang Filipino upang maging maunlad ang ating bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento